Tuesday, September 27, 2011

Ang Balanse ng Kalikasan

Sadyang hindi talaga natin maaaring pakialaman ang kalikasan. Ginawa itong balanse, may koordinasyon ang bawa't isa.

Take for example ang mga ahas na nangangain ng mga insekto sa gubat. Alisin mo sila at dadami ang mga insektong sisira sa mga halamang nandoroon.

O ang mga puno, na kapag nawala ay wala nang hihigop ng carbon sa mundo. Resulta nga ng pangungunti ng mga puno ay ang global warming.

Lahat ng bagay ay may vital role sa pagbalanse ng kalikasan. At naniniwala rin akong lahat ng anyong lupa at anyong tubig sa mundo ay may sukat at nakabalanse. Dahil sa balanseng ito ay hindi natin kailanman p'wedeng pakialaman o baguhin ang sukat na ito.

Tulad na lamang ng ilang bahagi ng Roxas Boulevard na dating parte ng Manila Bay na tinambakan upang matayuan ng mga gusali. Oo na  nga't maganda, ngunit hindi ba p'wedeng magkasya na lamang sa lupang binigay ng Diyos at kailangan pang tambakan ang dagat upang maging karagdagang lupain?

"Nature will find its way."

Isa iyan sa mga hindi ko makakalimutang linya mula sa isang pelikula. Jurassic Park to be exact. Ang kwento, mga lalaking dinosaurs lamang ang binuhay ng mga scientists upang makontrol ang dami ng mga ito. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan, nagkaroon pa rin ng babaing dinosaurs. Kasi nga, nature will always find its way.

And it is now finding a way to reclaim the body of water that once belonged to Manila Bay.

image

Inatake ng Bagyong Pedring ang Kamaynilaan ngayong Setyembre 27, 2011. Maging ang kailan lamang nagbukas na Sofitel Philippine Plaza ay binaha dahil sinira ng malalakas na alon ang seawall ng Manila Bay.

Nagsisimula na nga bang kunin muli ng Manila Bay ang bahaging minsan ay kanya?

photo: http://www.facebook.com/pages/CARLOS-CELDRAN/329069471130

No comments:

Post a Comment