Saturday, August 4, 2018

Mental

Bigla kong na-miss ang blog na 'to. Kaya bigla rin akong napa-login. Muntikan ko pang hindi natandaan ang password.

Mahigit limang taon na pala mula nang huli akong mag-post dito. Iba pa ang trabaho ko noon. Iba pa ang pinagkakaabalahan.

Pero I'm still the same old person - worry-wart pa rin, overthinker, takot, may pagka-OC.

Wednesday, February 20, 2013

(Video) Sebastian Castro - I’m Gay (REAL COMING OUT)

Isa sa mga ultimate crushes ko sa internet si Sebastian Castro. Witty, funny, walang dudang guwapo at walang inhibisyon sa paghuhubad. At sa kanyang pag-amin na isa rin siyang bakla tulad ng karamihan sa mga fans n’ya, may aaminin din ako: “Sabi ko na nga ba!”

Sebastian Castro

Pero nagbago ba ang tingin sa kanya ng mga fans ngayong alam na nila ang totoo?

Friday, December 14, 2012

Shy Away

Mahilig kaming manood ni Nanay ng Eat Bulaga! Pero mula noong minaliit ni Tito Sotto ang mga bloggers at halos ayaw aminin na kinopya nya ang parte ng kanyang talumpati mula sa blog posts ng ilang bloggers, parang nawawalan na ako ng ganang manood tuwing nandoon sya.

Buti na lang hindi sya laging present sa nasabing noontime show kaya nakakapanood pa rin ako 'pag minsan.

Lately bumababa ang national rating ng Eat Bulaga! Hindi kaya dahil ito sa mga katulad kong nadismaya kaya't nag-shy away na from watching the show?

Wednesday, August 15, 2012

Wind Chime

Sobrang lakas na naman ng hangin at ulan. Si Bagyong Helen ay wala sa Metro Manila pero inaapektuhan nito ang hanging habagat kaya’t patuloy na naman ang mala-bagyong panahon dito sa Kamaynilaan.

Noong isang linggo, hinagupit ang Luzon at Visayas ng matinding hanging habagat na pinag-ibayo ng isang bagyong nasa Japan. Ang layo nila sa isa’t isa, ‘di ba? Pero nagawa ni bagyo na apektuhan ang hanging habagat kaya’t bumaha na naman ng mala-Ondoy sa mabababang lugar sa Metro Manila at mga kalapit nitong probinsya, gayundin sa mga lugar na malapit sa mga anyong tubig.

Nguni’t hindi pa man bumababa ang baha sa ilang lugar, heto’t dumating na si Bagyong Helen.

Malupit si Helen. Bagama’t hindi daw ito magdadala ng ulan na singlakas ng habagat noong isang linggo, makakapagpabaha pa rin ito dahil hindi na kayang sumipsip ng lupa dahil masyado na itong saturated sa nagdaang pag-ulan.

Pero hindi man singlupit ng nagdaang habagat si Helen, umaalog pa rin ang gate namin at tila nagwawala ang wind chime na dati ko nang kinainisan dahil kahit malakas ang hangin ay ayaw tumunog. Matinding habagat at bagyo lamang pala ang kailangan nito para umimik, kaya’t kahit natatakot ako sa tila ipo-ipong hangin at sa kalugkugan sa paligid, may tuwa pa rin akong nararamdaman kapag naririnig kong tumutunog ang wind chime.

Sa ngayon, ang pagtunog ng wind chime na iyon sa gilid ng aming bahay ay tila nagiging palatandaan na na hindi normal ang hangin. Na may bagyo. Na uulan ng malakas.

Mabuti na lamang at wala kami sa binabahang lugar. At dahil diya’y pinasasalamatan ko ang tatay kong matagal nang namayapa dahil dito n’ya kami itinira. Hindi ko pa man nararanasan ay tila randam ko ang hirap ng mga nasa evacuation center na napapanood ko sa balita. Ramdam ko ang awa para sa mga nag-aantay ng relief goods para lamang sila’y may makain.

Nakakalunos, pero dahil Pilipino tayo ay alam nating lahat na malalampasan natin ito. Na lahat tayo’y maabilidad na pinatatag pa ng ating kahirapan. Lahat tayo’y marunong tumawa sa problema at magtiis sa kung ano lamang ang meron. Pero higit sa lahat, alam nating malalampasan natin ang trahedyang ito dahil bilang mga Pilipino, lahat tayo’y likas na matulungin at mapagmahal.

Tuesday, September 27, 2011

Match Made for Heaven

Binaril ni Jake si Jonathan sa loob ng SM City Pampanga noong Setyembre 21. Pagkatapos barilin ang sinasabing karelasyon ay binaril naman ni Jake ang sarili.

Trece anyos si Jake, dies y seis si Jonathan. Kung paano nagkaroon ng baril si Jake, at kung kanino ang baril, ay ang siyang malaking katanungan.

Ngunit para sa akin ay hindi na iyon ang dapat pang alamin kundi kung ano ang nangyari at humantong sa ganoon ang relasyon ng dalawa, upang maintindihan ng lahat kung ano ang dinaranas at dinadala sa dibdib ng mga nabibilang sa third sex.

Ang aking higit na ikina-antig ay ang larawan ng dalawa habang nakahandusay sa loob ng mall matapos ang pagbaril. Halos nakayakap pa si Jake kay Jonathan.

Marahil nga ay galit kay Jonathan ang dahilan ng pamamaril ni Jake dito. Ngunit siguradong naramdaman niya ang galit na iyon dahil sa sobra niyang pagmamahal.

Sadyang may tendencies ang tao na maging passionate. Na maging sobrang passionate. At kahit hindi ko alam ang buong istorya ng relasyon nina Jake at Jonathan ay masasabi kong, I can somehow relate to Jake's situation. Hindi dahil sa may suicidal tendencies din ako, pero dahil isa rin akong katulad n'ya – nagmamahal, nasasaktan, nabibigo at nagagalit sa kabila ng mga dalahing sadyang tulad lang namin ang makapagsasabing nakakaintindi.

Maling magparatang, maling manghusga. Lalo na kung hindi mo naman napagdadaanan pa ang mga bagay na dinanas ng taong hinuhusgahan mo.

The video below will somehow give you a glimpse of the love story between Jake and Jonathan. May their souls rest in peace.

Ang Balanse ng Kalikasan

Sadyang hindi talaga natin maaaring pakialaman ang kalikasan. Ginawa itong balanse, may koordinasyon ang bawa't isa.

Take for example ang mga ahas na nangangain ng mga insekto sa gubat. Alisin mo sila at dadami ang mga insektong sisira sa mga halamang nandoroon.

O ang mga puno, na kapag nawala ay wala nang hihigop ng carbon sa mundo. Resulta nga ng pangungunti ng mga puno ay ang global warming.

Lahat ng bagay ay may vital role sa pagbalanse ng kalikasan. At naniniwala rin akong lahat ng anyong lupa at anyong tubig sa mundo ay may sukat at nakabalanse. Dahil sa balanseng ito ay hindi natin kailanman p'wedeng pakialaman o baguhin ang sukat na ito.

Tulad na lamang ng ilang bahagi ng Roxas Boulevard na dating parte ng Manila Bay na tinambakan upang matayuan ng mga gusali. Oo na  nga't maganda, ngunit hindi ba p'wedeng magkasya na lamang sa lupang binigay ng Diyos at kailangan pang tambakan ang dagat upang maging karagdagang lupain?

"Nature will find its way."

Isa iyan sa mga hindi ko makakalimutang linya mula sa isang pelikula. Jurassic Park to be exact. Ang kwento, mga lalaking dinosaurs lamang ang binuhay ng mga scientists upang makontrol ang dami ng mga ito. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan, nagkaroon pa rin ng babaing dinosaurs. Kasi nga, nature will always find its way.

And it is now finding a way to reclaim the body of water that once belonged to Manila Bay.

image

Inatake ng Bagyong Pedring ang Kamaynilaan ngayong Setyembre 27, 2011. Maging ang kailan lamang nagbukas na Sofitel Philippine Plaza ay binaha dahil sinira ng malalakas na alon ang seawall ng Manila Bay.

Nagsisimula na nga bang kunin muli ng Manila Bay ang bahaging minsan ay kanya?

photo: http://www.facebook.com/pages/CARLOS-CELDRAN/329069471130

The Law of Tithing

The ancient Babylonians practiced a vital law that was the cause of their immense prosperity. They used the tithing law, which involves giving one-tenth of all money or riches that you receive. The tithing law says that you must give to receive, and the Babylonians knew that the practice of this law opens up the flow of abundance. If you are thinking, "I will give when I have enough money," then the tithing law says you will never have enough money, because you have to give first. Many of the wealthiest people on the planet tithed their way to wealth, and they have never stopped tithing!

-The Secret