
Pero kanina, ang nahirapan ay ang aso ko. Sanay kasi sa karne. Hindi ko naman naisip na bilhan ng karne no'ng Miyerkules na mayroon pang mabibilhan. Kahapon iniluto na ni nanay ang natitirang karne sa ref para raw hindi kami ma-tempt na magluto ng karne on Friday. Kakaunti na rin naman 'yon. Gano'n talaga pag Huwebes at Biyernes, halos wala nang lamang karne ang ref. Sabado kasi ang araw ng pamamalengke namin para sa buong isang linggo.

Wala na rin akong dog food. Ano ba?! Hindi ako prepared! Umaga, pinakain ko si Princess ng kanin at tilapia. Ayaw. Tanghali, ayaw pa ring kumain. Nag-iisip na ako kung sino sa mga kapitbahay namin ang may aso na pinapakain ng dog food. Wala akong maisip. Puro "aspin" ang aso ng mga kapitbahay namin at sure akong table food ang pinapakain.
Tinawagan ko si Jeff, friend ko sa ParaƱaque, na may alaga ring shih tzu. Willing akong pumunta sa kanila kung bibigyan nya ako ng dog food. At mabait ang pagkakataon, may dog food kina Jeff. Pero pinayuhan muna n'ya akong maglagay ng toyo at kaunting mantika sa kanin at subukang ipakain kay Princess. Napa-"ano ba 'yon!" ako. Pero 'yon daw ang ginagawa niya kapag nauubusan siya ng dog food.
Ginawa ko naman. Konting mantika at toyo lang talaga ang nilagay ko sa kapirasong kanin dahil feeling ko magtatae si Princess 'pag napadami. Anyway, nang ibigay ko iyon, aba kinain! Hindi ko alam kung dala na lamang iyon ng gutom dahil hindi s'ya kumain nang umaga, pero naubos n'ya iyon. Half her usual meal, pero okay na kesa walang laman ang tyan.
Hindi na ako pumunta ng ParaƱaque. Ganoon din ang ipinakain ko sa kanya for dinner, normal amount na ng meal n'ya, at naubos din naman.
In a way naawa ako sa aso ko. Pati s'ya kasi nagpenetensya rin. Luckily, bukas naman, e, may karne na. I'll also make sure na bumili na ng dog food. Mag-i-stack na ako.
And oh yeah, bukas pwede na ang karne! Any kind of meat for that matter. Haha.
No comments:
Post a Comment