Thursday, February 4, 2010

Bes

Nang mag-asawa ang bestfriend ko, akala ko’y tuluyan na s’yang mapapalayo sa akin. Mali pala ako. Ngayo’y mas lalo kaming naging malapit sa isa’t isa.

Hindi na kami childish. Pero lagi naming binabalikan ang mga kababawan namin noon. Tapos magtatawanan, na ang pakiramdam ay tila kahapon lamang ang mga panahong pareho kaming walang pakialam sa mundo.

There was a point in time na pareho naming ni-neglect ang bawa’t isa. Nagkunyari akong wala nang pakialam sa kanya. Nguni’t iyo’y dahil natatakot akong isang araw ay mawawala na lang s’ya. At labis akong masasaktan. Kumbaga’y inunti-unti ko na ang paglayo, para ‘pag aalis na s’ya ay hindi na sobrang masakit para sa akin.

Pero mali pala ako. Hindi ko dapat ginawa iyon. Ngayo’y iniisip ko kung ano’ng mga napagdaanan n’ya no’ng mga panahong malayo ako. Nakakalungkot. May iba s’yang mga kaibigan, oo, pero alam kong ako ang higit niyang sinasandigan.

Hayaan mo, bestfriend, hindi na ako mawawala. Pangako ‘yan.

No comments:

Post a Comment