Saturday, March 6, 2010

Effort

Kapag may kaibigan kang hindi na nakikita, hindi na nakakausap, s'yempre hahanapin mo. Kung tunay na kaibigan ang turing mo dito'y puro magagandang memories ang maiisip mo sa tuwing maaalala mo s'ya. May mga pagkakataong sasagi sa isip mo ang mga hindi ninyo pagkakaintindihan, ang mga away n'yo, maging ang sakit na hatid ng mga ito ngunit s'yempre pa'y mas mangingibabaw ang masasayang sandali kaysa sa mga hindi masyadong masaya.

May kaibigan akong matagal ko ring hindi nakita, hindi nakausap, despite the fact na magkalapit lamang ang aming mga bahay. Sa tantya ko'y mga tatlong taon din kaming walang koneksyon sa isa't isa. Ngunit bago pa kami nawalan ng koneksyon ay walong taon na kaming magkaibigan. Close kami, na halos kapatid na ang turing ko sa kanya.

Muli lamang kaming nagkaroon ng chance to reconnect noong nagdaang Kapaskuhan. Close ulit kami kaagad. Parang walang nagbago. Ang saya ko, unti-unti'y lagi na ulit kaming magkausap. Sabihan ng mga pangyayari sa buhay. We caught up with almost everything na nangyari noong hindi kami nagkikita.

Parang old times ulit.

Kaso gaya ng old times, muli'y naramdaman ko ang kawalan ko ng halaga, at nanumbalik (at pumailanlang) ang sakit na naramdaman ko noon. Ganoon pa rin, taken for granted ako. 'Yung tipong okay lang 'pag and'yan pero kapag wala ay ano ba'ng pakialam.

And I looked back the past few months since we got reconnected. Ganoon pa rin nga pala talaga. Kung hindi ako ang mag-effort, wala rin namang mangyayari. One-way pa rin. At iyon 'yong bagay na naging sanhi ng "paglayo" ko dati. Oo, lumayo ako kahit magkapit-bahay kami. At huwag nang pagtakhan kung paano ko nagawa iyon. E, hindi nga ako hinahanap, e.

Pero siguro this time around hindi na ako lalayo.

Hindi na lang ako mag-e-effort.

No comments:

Post a Comment