Saturday, February 13, 2010

Aray!

Minsan naiisip kong mas mabuti pang maging single. Walang inaalala kundi sarili lang. Walang problema.

Hindi naman sa selfish ako at hindi marunong magmahal. Pero kung babalikan ko kasi ang mga nagdaang sakit na sanhi ng ilang failed relationships ko in the past, parang ayaw ko nang pagdaanan ang mga iyon muli.

Masarap magmahal; masarap mahalin. Masarap ‘yong gigising ka sa umaga na may iniisip kang nakapaghahatid ng ngiti sa mga labi mo; at masarap ding isiping may nag-iisip sa ‘yo sa ganoon ding paraan. Kung ganoon lang sana lagi. Kung sana’y wala nang sakit sa huli.

Sa inyong masayang magdiriwang bukas kasama ng inyong mga mahal, Maligayang Araw ng mga Puso.

Sana, sa isang taon, maipagdiwang ko na rin ‘yan.

No comments:

Post a Comment