Friday, August 20, 2010

Jon

Mga year 2000 nang makilala ko si Jon. May kakwentuhan ako noon sa harap ng bahay namin nang bigla niyang lapitan ang kakwentuhan ko. Schoolmates pala sila. So hinayaan ko silang magkwentuhan. Hindi naman ako nagmukhang tanga dahil nakikisali din ako. Pilit akong nakikisali kasi pag hindi’y do’n na ako magmumukhang tanga.

Anyway, mabait naman si Jon. Nang umuwi yung kakwentuhan ko, akala ko’y uuwi na rin s’ya. Pero hindi. Nakipagkwentuhan pa sya sa akin na umabot din ng mahigit dalawang oras matapos umalis ang nauna kong kakwentuhan.

Cute si Jon noon (actually hanggang ngayon), pero hindi ko sya type. Siguro dahil hindi sya mukhang manyak. At nang makilala ko sya ng lubusan ay napatunayan kong… hindi talaga sya manyak. Kaya kahit kailan ay hindi ko sya naging type.

Mula nang gabing yon, madalas nang tumambay sa bahay namin si Jon. Sa labas muna ng gate. Nang lumaon ay sa loob na ng gate. Nang higit na nagtagal, sa loob na kami ng bahay nagkukwentuhan.

Minsa’y birthday ng isa sa mga barkada nya at inimbitahan nya ako kahit hindi sya ang may birthday. Go naman ako kasi syempre puro boys doon. Pero ang totoong dahilan kaya ako sumama ay dahil hindi ko pa nakakainuman si Jon. Minsan na’y nasabi ko sa sarili ko na siguro, lalabas ang libog ni Jon kapag ito’y lasing na.

Sa inumang iyon ay nakilala kong lahat ang tropa ni Jon. Lima lang sila. Apat silang magkakaidad, samantalang ang isa’y mas bata ng isang taon. Walang nangyaring labasan ng libog dahil mababait pala silang lahat. Mga pormal lalo na iyong may birthday. At dahil malakas pa akong uminom nang mga panahong iyon, kaming dalawa ng may birthday ang natirang nag-iinom.

Pagkatapos ng inumang iyon, kabilang na ako sa tropa nila. Lagi na akong pinupuntahan at niyayaya sa tuwing may lakad. Hindi lang talaga nila ako mayaya pag magba-basketball sila.

Nagtayo ako ng gaming shop makalipas ang ilang buwan. Ang gamin shop ang naging tambayan nila. Okay lang dahil hindi naman sila magugulo. Kaya nga lang, makalipas ang dalawang taon ay napagpasyahan din ng isa sa kanila na magtayo din ng parehong negosyo. Kinumpetensya ako. Okay lang naman, naisip ko. Business is Business. Saka malaki naman ang demand ng gaming sa neighborhood namin kaya walang talo.

Kaso, hindi ko alam kung anong nangyari at bigla nila akong nilayuan. Lahat sila, maging si Jon. Biglang hindi ko na sila nakita, hindi na nagpupunta sa shop. At nababalitaan kong doon na sila tumatambay sa shop ng tropa nila. Oo, sila na lang ulit. Bigla na lang akong hindi kasali.

Aminado naman ako, masakit. Not the fact na kinumpetensya ako, kundi iyong fact na parang namili sila sa aming dalawa at hindi ako ang napili. Naintindihan ko namang mas matagal nilang kasama iyon, pero dapat ba talagang may pilian? Dapat ba talagang may kampihan?

Nagtampo ako higit kay Jon kaysa sa iba sa kanila. Si Jon naman kasi yong nauna kong naging kaibigan. Kung tutuusin, sa kanilang lahat ay si Jon lang ang kaibigan ko. Lahat sila nasabit lang. Kaibigan pag magkakaharap, pag nag-iinuman.

Ngunit kahit na may tampo ako kay Jon, hindi ko pa rin nagawang magalit sa kanya. At na-miss ko sya. Lalo na noong minsang nadaanan ko sya sa may tindahang malapit sa amin, hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na kalabitin sya. Iyon lang naman pero dere-deretso ako sa paglalakad. Pero lumingon sya, alam ko. Sabay banggit ng “Uy!”

A week after that, nagpunta sya sa bahay. Bumisita. Hindi na namin pinag-usapan kung bakit bigla silang nawala. Hindi na mahalaga. At hindi na rin mahalaga pa na hindi na ako kilalanin ng mga tropa niya.

Matapos niyon ay bumawi si Jon. Hindi nya sinabi pero alam kong gusto nyang makabawi. Kagaya nong birthday nya matapos kaming magkaayos, ako lang ang bisita nya.  Nagulat ako pagdating ko sa kanila dahil akala ko’y maraming tao. Akala ko’y nandodoon ang mga tropa niya. I was willing to face them that time dahil ayaw kong pahiyain si Jon sa pag-imbita sa akin. Pero yon nga, pamilya nya lang ang nandon, saka ako.

May asawa na ngayon si Jon. Dalawa na ang anak niya, parehong babae. Ninong ako ng panganay. Kapapanganak lang ng ikalawa early this month. Sa Cavite nanganak dahil taga-doon si Rina. I made an effort to visit her last week.

Naisip kong isulat ito to celebrate my friendship with Jon. Lumayo man sya noon, mas naging malapit naman kami sa isa’t isa matapos niyon. Ngayon ay siya ang pinakamatagal ko nang kaibigan that has kept in constant communication with me. Hindi naman kami textmates pero he makes it a point to text once in a while. He visits me more than he texts, though. Kapag wala akong lakad ng Sunday, we always have our Saturday night drink sa bahay nila. What’s more, they (he and his family) always make me a part of their celebrations, be it his wife’s birthday or his kid winning the nutrition week contest at DOST.

Here’s to more years of friendship with Jon. Cheers!

No comments:

Post a Comment