Saturday, September 10, 2011

Nasaan Ka?

May napanood ako sa TV na nakapagpaalala sa akin ng aking kabataan – and trailer ng Nasaan Ka, Elisa? na pinagbibidahan ni Melissa Ricks.

Paano nito napaalala sa akin ang aking kabataan? Dahil tila kapareho ito ng kwento ng dating kinabaliwan namin ng mga kaibigan ko noon – ang Twin Peaks.

Ganoon din ang kwento. Nawawala ang bidang babae.

Binase ang Nasaan Ka, Elisa? sa 2009 Chilean telenovela na ¿Dónde está Elisa? Hindi kaya ibinase naman ang Donde esta sa Twin Peaks?

Naaalala ko rin na crush na crush namin noon si Kyle MacLachlan na isa sa mga pangunahing artista sa Twin Peaks. Kaya nang naging isa ito sa cast ng Show Girls, super antay kami na ilabas iyon sa VHS. Kailangan naming mapanood dahil may butt exposure si Kyle doon.

Going back to Nasaan Ka, Elisa?, isa sa mga inaabangan kong artista dito ay si Franco Daza. Ang gwapo. Una ko syang napansin nang mag-guest siya sa 100 Days to Heaven ka-partner ni Melai Cantiveros. Ang swerte talaga ni Melai.

At dahil si Franco ay isa na sa aking mga paboritong artista, heto ang paborito kong larawan niya:

No comments:

Post a Comment