Monday, August 15, 2011

Luha

Lagi kaming nanonood ni Nanay ng Eat Bulaga! Halos hindi pa tapos ang Showtime, ililipat na agad namin ang channel para mapanood ang Pambato ng Videoke. Nasa unang bahagi ito ng palabas kung saan kumukuha sila ng dalawang contestants mula sa barangay na napili nilang puntahan ng araw na iyon.

Ang mga mananalo mula Lunes hanggang Biyernes ay magpe-perform ng live sa Eat Bulaga! stage pagdating ng Sabado kung saan may makakasama silang mga professional singers.

Noong Sabado, kasamang nag-perform ng mga winners ang host na si Julia Clarete at ang mga manganganta ng bandang Aegis. Puro Aegis song ang line-up, na tamang-tama dahil puro babae ang nanalo nang nagdaang linggo.

Unang sumalang si Julia. Ewan kung bakit pakiramdam ko'y feel na feel nya ang kinakantang may titulong "Luha."

Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit nang ikaw ay yakapin
Naglaho sa dilim

At noon ko lang naintindihan nang husto ang lyrics ng kantang iyon. Bagay na bagay pala sa akin. Sa karamihan sa atin. Dahil lagi na'y inaakala kong mahal din ako, iyon pala'y hindi totoo.

Ninais kong mapalapit sa'yo
Ninais kong malaman mo
Ang mga paghihirap ko
Balewala lang sa 'yo

Nakakainis ang saknong na 'yan. Dahil madalas, akala ko'y concerned sila pero hindi naman pala. Kunyari nakikinig sa mga kwento ko pero wapakels naman at ang ending ay ang problema pa rin nila ang mas mahalaga, ang mas dapat pakinggan. Problemang alam na ninyo kung ako ang solusyon.

At ito ang peak ng kanta. Dapat ito ang theme song ko:

Ikaw ay aking minahal
Kasama ko ang Maykapal
Ngunit ako pala'y naging isang hangal
Naghahangad ng isang katulad mo

Hindi ko na kailangan
Umalis ka na sa aking harapan
Damdamin ko sa 'yo ngayon ay naglaho na

At ito ang 'yong tandaan
Ako'y masyadong nasaktan
Pag-ibig at pagsuyo na kahit na sa luha
Mababayaran mo

Ang drama ng kanta. At lalong madrama kung kakantahin dahil sobrang taas ng pitch.

Sa ngayon, ewan ko. May kinagugustuhan akong isang straight, na pinananalangin kong maging bi para may pag-asa ako. At dahil straight s'ya ay gusto ko nang kalimutan. Wala rin namang kahihinatnan. Pero s'yempre, para makalimutan ay kailangang iwasan, na medyo imposible sa ngayon . Kung malayu-layo lang sana s'ya. Kaso hindi, e. Masyadong malapit. At magtataka iyon kung bigla ko s'yang tataguan.

Deliberately siguro. Sana magawa ko. At imbes na ipanalanging maging bi s'ya, ipapanalangin ko na lang na maiwasan ko s'ya.

Goodluck sa 'kin.

No comments:

Post a Comment