Isa sa mga ultimate crushes ko sa internet si Sebastian Castro. Witty, funny, walang dudang guwapo at walang inhibisyon sa paghuhubad. At sa kanyang pag-amin na isa rin siyang bakla tulad ng karamihan sa mga fans n’ya, may aaminin din ako: “Sabi ko na nga ba!”
Pero nagbago ba ang tingin sa kanya ng mga fans ngayong alam na nila ang totoo?
Personally, gaya ng nakararaming bakla, mas gusto kong isang tunay na lalaki ang pinagpapantasyahan ko. Ngunit nasaan ang pag-asa doon?
Mas okay na sigurong magpantasya sa isang straight-acting gay na tulad ni Seb dahil kahit papaano’y pwede mo nang isipin na may posibilidad ding pagpantasyahan ka n’ya dahil isa rin siyang bakla.
“I am gay, I am proud to be gay,” pag-amin niya sa video. “I’m proud to be one of you.”
Ang totoo’y mas humanga ako kay Seb. Ang tapang. Kung tutuusin ay napakabata pa n’ya at pwedeng sabihing marami pa siyang magiging oportunidad sa showbiz bilang straight tulad na lamang ng kanyang pagkakasama sa Ang Babae Sa Septic Tank ni Eugene Domingo.
Pero kung saan siya masaya, masaya ako para sa kanya. Chos!
Eto ang video ng kanyang pag-amin:
Patok din ang music video n’ya ng gay song na Bubble kung saan may butt exposure s’ya at umindak-indak na naka-underwear lang.
No comments:
Post a Comment