Mahigit limang taon na pala mula nang huli akong mag-post dito. Iba pa ang trabaho ko noon. Iba pa ang pinagkakaabalahan.
Pero I'm still the same old person - worry-wart pa rin, overthinker, takot, may pagka-OC.
Buti na lang nga at nakokontrol ko. Hindi katulad nung dalawang pamangkin ko. Yung isa na-diagnose na clinically depressed two years ago. Okay na sya ngayon, clinically, pero pag nakakausap ko s'ya, alam kong mayro'n pa ring hindi normal sa kanya.
Yung isa namang mas bata kong pamangkin, mas malala. Kung ilang beses nang na-confine sa neuro ward ng MCM. Na-confine na rin sa UST. Tapos pinaka-recent sa isang facility sa Pasig. Pero yung sa Pasig same doctor nya sa UST ang tumitingin sa kanya.
Pamura ng pamura yung pinapag-confine-nan. Kasi nakakaubos pala ng pera ang pagpapagamot ng gano'ng sakit.
Initially, na-diagnose sya as bipolar 2. Eventually, naging bipolar with psychosis. Most recently, parang borderline personality daw pero hindi pa totally confirmed.
Nakakaawa sila. Lalo na yung mga magulang nila na mahal na mahal sila; na kahit mahirap ay pinipilit maging masaya lalo na kapag nasa normal na katinuan yung may bipolar.
Sana wala na lang sakit na ganon. Sana lahat na lang matino ang pag-iisip.
Pero sana gumaling yung may bipolar, o kahit ma-estabilize na lang yung mood nya kapag kailangan. Parang hindi naman kasi umeepekto yung mga gamot nya. Pag naka-confine, okay. Pag lumabas, ilang araw lang gano'n na naman.
Pero sana talaga maging okay sya. Malay natin maging presidente pa sya.
No comments:
Post a Comment