Thursday, August 11, 2011

I Love You This Big

Mula nang marinig kong kantahin ni Scotty McCreery sa finals ng American Idol 10 ang kantang "I Love You This Big," hindi ko na maiwasang mag-isip ng berde sa tuwing mapapakinggan ko ito, lalo na kapag siya ang kumakanta at pinapanood ko s'ya.

Scenario: May naghaharutang mag-jowa. Tatanungin ni (pa)girl si boy (na kamukha ni Scotty) sa paraang naglalambing, "Love mo ba ako?"

Sasagot s'yempre si boy ng, "Oo naman!"

Magtatanong ulit si (pa)girl. "Ga'no mo 'ko ka-love?"

Mag-iisip si lalaki ng orihinal na sagot. S'yempre hindi n'ya na p'wedeng gamitin ang mga linyang laos na. Bigla itong mapapangisi nang makaisip ng isasagot.

"Pikit ka muna," sasabihin ni boy na may mapanlokong ngiti. S'yempre pa pipikit si (pa)girl. Tapos tatayo si boy sa harap ni (pa)girl, ibababa ang suot na shorts at ilalabas ang galit nitong bird. Magwiwika ito ng, "Open your eyes."

Magugulat ang (pa)girl sa makikita pero hindi nito magagawang alisin ang tingin sa angry bird.

Habang nakatitig si (pa)girl sa bird, kakanta si boy ng, "I love you this big...." End of scenario.

Pero s'yempre kung ang gagawa n'yan ay maliit ang bird kahit ito'y angry na, 'wag na lang. Baka maiyak pa si (pa)girl sa liit ng pagmamahal ni boy.

Chos!

Anyway, ang music video ng "I Love You This Big" ay nasa YouTube na.

Babush!

No comments:

Post a Comment